Genesis 32

At pinaalalahanan niya ang mga ito na huwag kalimutang sabihin kay Esau na nakasunod siya sa hulihan. Sapagkat sinabi ni Jacob sa kanyang sarili, “Aalukin ko si Esau ng mga regalong pinauna ko. At kung magkikita kami, baka sakaling tatanggapin niya ako.”

Genesis 32:20 (UKJV) And say all of you moreover, Behold, your servant Jacob is behind us. For he said, I will appease him with the present that goes before me, and afterward I will see his face; possibly he will accept of me.

18sagutin ninyo ang aking panginoong si Esau na akin ang mga hayop na ito at regalo ko ang mga ito sa kanya. Sabihin din ninyo na akoʼy nakasunod sa inyo.”

19Ganoon din ang sinabi niya sa ikalawa, sa ikatlo at sa lahat ng aliping kasabay ng mga kawan.

20At pinaalalahanan niya ang mga ito na huwag kalimutang sabihin kay Esau na nakasunod siya sa hulihan. Sapagkat sinabi ni Jacob sa kanyang sarili, “Aalukin ko si Esau ng mga regalong pinauna ko. At kung magkikita kami, baka sakaling tatanggapin niya ako.”

21Kaya pinauna niya ang mga regalo niya, ngunit nagpaiwan siya noong gabing iyon doon sa tinutuluyan nila.

22Nang gabing iyon, bumangon si Jacob at isinama ang dalawa niyang asawa, ang dalawang alipin niyang babae at ang labing-isang anak niya, at pinatawid sila sa Ilog ng Jaboc.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.