Genesis 33

Ngunit nagpumilit si Jacob, “Sige na po, tanggapin nʼyo na po. Kung totoong pinatawad nʼyo na ako, tanggapin ninyo ang regalo ko sa inyo. Sapagkat nang makita ko ang inyong mukha at madama ang inyong magandang pagtanggap sa akin, para ko na ring nakita ang mukha ng Diyos.

Genesis 33:10 (UKJV) And Jacob said, Nay, I pray you, if now I have found grace in your sight, then receive my present at my hand: for therefore I have seen your face, as though I had seen the face of God, and you were pleased with me.

8Nagtanong pa si Esau kay Jacob, “Ano ba ang ibig sabihin ng mga kawan ng hayop na nasalubong ko?” Sinabi ni Jacob, “Upang malugod po kayo sa akin, aking panginoon.”

9Ngunit sumagot si Esau, “Marami na akong ari-arian, kaya sa iyo na lang iyon.”

10Ngunit nagpumilit si Jacob, “Sige na po, tanggapin nʼyo na po. Kung totoong pinatawad nʼyo na ako, tanggapin ninyo ang regalo ko sa inyo. Sapagkat nang makita ko ang inyong mukha at madama ang inyong magandang pagtanggap sa akin, para ko na ring nakita ang mukha ng Diyos.

11Tanggapin nʼyo na po ang regalo ko sa inyo dahil napakabuti ng Diyos sa akin at hindi ako nagkulang sa mga pangangailangan ko.” Pinilit ni Jacob si Esau hanggang tanggapin na ni Esau ang mga regalo niya.

12Pagkatapos, sinabi ni Esau, “Halika na, sabay na tayong umalis.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.