6Lumapit agad kay Esau ang dalawang alipin na babae at ang mga anak nila, at yumukod sila bilang paggalang sa kanya.
7Sumunod din si Lea at ang mga anak niya at yumukod. Ang huling lumapit at yumukod ay si Jose at ang ina niyang si Raquel.
8Nagtanong pa si Esau kay Jacob, “Ano ba ang ibig sabihin ng mga kawan ng hayop na nasalubong ko?” Sinabi ni Jacob, “Upang malugod po kayo sa akin, aking panginoon.”
9Ngunit sumagot si Esau, “Marami na akong ari-arian, kaya sa iyo na lang iyon.”
10Ngunit nagpumilit si Jacob, “Sige na po, tanggapin nʼyo na po. Kung totoong pinatawad nʼyo na ako, tanggapin ninyo ang regalo ko sa inyo. Sapagkat nang makita ko ang inyong mukha at madama ang inyong magandang pagtanggap sa akin, para ko na ring nakita ang mukha ng Diyos.