11Tanggapin nʼyo na po ang regalo ko sa inyo dahil napakabuti ng Diyos sa akin at hindi ako nagkulang sa mga pangangailangan ko.” Pinilit ni Jacob si Esau hanggang tanggapin na ni Esau ang mga regalo niya.
12Pagkatapos, sinabi ni Esau, “Halika na, sabay na tayong umalis.”
13Ngunit sumagot si Jacob, “Alam po ninyong mabagal maglakad ang mga bata, at kailangan kong alagaang mabuti ang mga hayop na nagpapasuso. Kung pipilitin natin ang mga hayop na maglakad sa buong araw, baka mamatay sila.
14Ang mabuti pa, aking panginoon, mauna na lang po kayo sa amin. Susunod kami sa inyo ayon sa bilis ng mga bata at ng mga hayop na kasabay namin. Doon na lang tayo magkita sa Seir.”
15Sinabi ni Esau, “Kung ganoon, ipapaiwan ko na lang ang iba kong mga tauhan sa iyo.” Sumagot si Jacob, “Hindi na po kailangan. Sapat na ang kabutihang-loob na ipinakita ninyo sa akin, panginoon ko.”