Genesis 34

Ngunit papayag lang sila na manirahan dito kasama natin bilang isang bayan kung papayag ang lahat ng kalalakihan natin na magpatuli kagaya nila.

Genesis 34:22 (UKJV) Only herein will the men consent unto us in order to dwell with us, to be one people, if every male among us be circumcised, as they are circumcised.

20Pumunta sila ng kanyang ama sa pintuan ng lungsod upang kausapin ang mga lalaki sa kanilang lungsod.

21Sinabi nila, “Palakaibigan ang mga taong ito. Kaya patirahin natin sila rito at payagang makapagnegosyo kahit saan. Malaki naman ang lupain natin. Maaari tayong makipag-asawa sa mga dalaga nila at makikipag-asawa rin sila sa mga dalaga natin.

22Ngunit papayag lang sila na manirahan dito kasama natin bilang isang bayan kung papayag ang lahat ng kalalakihan natin na magpatuli kagaya nila.

23Kung dito sila titira, magiging atin din ang lahat ng hayop at ari-arian nila. Kaya pumayag na lang tayo sa mungkahi nila upang manirahan sila rito na kasama natin.”

24Pumayag ang lahat ng kalalakihan ng lungsod sa sinabi ni Hamor at ng anak niyang si Shekem. Kaya nagpatuli ang lahat ng kalalakihan nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.