13Pagkatapos, umalis ang Diyos sa lugar na iyon kung saan nakipag-usap siya kay Jacob.
14At si Jacob ay nagtayo roon ng batong alaala kung saan niya nakausap ang Diyos. Binuhusan niya agad ng alak ang bato bilang handog na inumin at binuhusan din ng langis ng olibo.
15Pinangalanan niya ang lugar na iyon na Betel.
16Umalis si Jacob at ang sambahayan niya sa Betel. Manganganak na noon si Raquel. Malayo pa sila sa bayan ng Efrata, sumakit na ang tiyan ni Raquel.
17Nang matindi na ang sakit, sinabi ng manghihilot sa kanya, “Huwag kang matakot Raquel, lalaki na naman ang anak mo.”