Genesis 35

Umalis si Jacob at ang sambahayan niya sa Betel. Manganganak na noon si Raquel. Malayo pa sila sa bayan ng Efrata, sumakit na ang tiyan ni Raquel.

Genesis 35:16 (UKJV) And they journeyed from Bethel; and there was but a little way to come to Ephrath: and Rachel travailed, and she had hard labour.

14At si Jacob ay nagtayo roon ng batong alaala kung saan niya nakausap ang Diyos. Binuhusan niya agad ng alak ang bato bilang handog na inumin at binuhusan din ng langis ng olibo.

15Pinangalanan niya ang lugar na iyon na Betel.

16Umalis si Jacob at ang sambahayan niya sa Betel. Manganganak na noon si Raquel. Malayo pa sila sa bayan ng Efrata, sumakit na ang tiyan ni Raquel.

17Nang matindi na ang sakit, sinabi ng manghihilot sa kanya, “Huwag kang matakot Raquel, lalaki na naman ang anak mo.”

18Isinilang ang sanggol ngunit nasa bingit ng kamatayan si Raquel. Bago siya malagutan ng hininga, pinangalanan niya ang sanggol na Benoni. Ngunit pinangalanan ni Jacob ang sanggol na Benjamin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.