26Ang mga anak niya kay Zilpa na alipin ni Lea ay sina Gad at Asher. Silang lahat ang anak na lalaki ni Jacob na isinilang sa Padan-aram.
27Pumunta si Jacob sa ama niyang si Isaac sa Mamre, malapit sa Kiriat-arba (na tinatawag ding Hebron). Ito ang lugar na tinirhan ni Isaac na siya ring tinirhan noon ni Abraham.
28Nabuhay si Isaac ng 180 taon.
29Namatay siya sa katandaan na kontento sa kanyang buhay, at kasama na ng kanyang mga kamag-anak na sumakabilang buhay na. Inilibing siya ng kanyang mga anak na sina Esau at Jacob.