17Naging pinuno rin sa Edom ang mga anak ni Reuel na sina Nahat, Zera, Shama, at Miza. Sila ang mga apo ni Esau kay Basemat.
18Naging pinuno rin ang mga anak na lalaki ni Esau kay Oholibama na anak ni Ana. Sila ay sina Jeus, Jalam at Kora.
19Silang lahat ang lahi ni Esau na mga pinuno ng Edom.
20Ito ang mga anak na lalaki ni Seir na Horeo na nakatira sa Edom: Si Lotan, Sobal, Zibeon, Ana,
21Dishon, Eser at Disan. Naging pinuno rin sila ng mga Horeo na mga lahi ni Seir na unang tumira sa Edom.