8Sinabi ng kanyang mga kapatid, “Ano? Magiging hari ka at mangunguna sa amin?” Kaya lalo pa silang nagalit kay Jose.
9Muling nanaginip si Jose at isinalaysay na naman niya sa kanyang mga kapatid. Sinabi niya, “Nanaginip ako ulit na nakita ko ang araw, ang buwan at ang labing-isang bituin na yumuyuko sa akin.”
10Isinalaysay din ni Jose ang panaginip niya sa kanyang ama ngunit nagalit din ang kanyang ama sa kanya. Sinabi niya, “Ano ang ibig mong sabihin? Na kami ng iyong ina at ng mga kapatid mo ay yuyuko sa iyo?”
11Nainggit ang mga kapatid ni Jose sa kanya, ngunit si Jacob ay sinarili na lamang ang bagay na ito.
12Isang araw, pumunta ang mga kapatid ni Jose sa Shekem upang magbantay ng mga hayop ng kanilang ama.