20at ihulog sa isa sa mga balon dito. Sabihin na lang natin na pinatay siya ng mabangis na hayop. Tingnan nga natin kung magkakatotoo ang mga panaginip niya.”
21Nang marinig ni Ruben ang balak nila, sinikap niyang iligtas si Jose. Sinabi niya, “Huwag na lang natin siyang patayin.
22Ihulog nʼyo na lang siya rito sa balon sa ilang, ngunit huwag ninyo siyang papatayin.” Sinabi iyon ni Ruben dahil plano na niyang iligtas si Jose at ibalik sa kanilang ama.
23Kaya pagdating ni Jose, hinubad nila ang mahaba at magandang damit nito,
24at inihulog sa balon na walang tubig.