27Ang mabuti pa siguro ipagbili natin siya sa mga Ismaelitang iyan. Huwag natin siyang patayin dahil kapatid natin siya.” Pumayag ang mga kapatid ni Juda sa sinabi niya.
28Kaya pagdaan ng mga mangangalakal na Midianita, iniahon nila si Jose mula sa balon at ipinagbili nila sa halagang dalawampung pirasong pilak. At dinala si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto.
29Nang bumalik si Ruben sa balon, wala na doon si Jose. Kaya pinunit niya ang kanyang damit sa lungkot.
30Pagkatapos, bumalik siya sa mga kapatid niya at sinabi, “Wala na doon ang nakababata nating kapatid. Ano na ang gagawin ko ngayon?”
31Nagkatay sila ng kambing at isinawsaw sa dugo nito ang damit ni Jose.