Genesis 37

Nagkatay sila ng kambing at isinawsaw sa dugo nito ang damit ni Jose.

Genesis 37:31 (UKJV) And they took Joseph's coat, and killed a kid of the goats, and dipped the coat in the blood;

29Nang bumalik si Ruben sa balon, wala na doon si Jose. Kaya pinunit niya ang kanyang damit sa lungkot.

30Pagkatapos, bumalik siya sa mga kapatid niya at sinabi, “Wala na doon ang nakababata nating kapatid. Ano na ang gagawin ko ngayon?”

31Nagkatay sila ng kambing at isinawsaw sa dugo nito ang damit ni Jose.

32Pagkatapos, dinala nila ang damit ni Jose sa kanilang ama at sinabi, “Nakita po namin ito. Tingnan po ninyong mabuti kung kay Jose po ito o hindi.”

33Nakilala agad ni Jacob ang damit. Sinabi niya, “Sa kanya ito! Pinatay siya ng mabangis na hayop! Tiyak na niluray-luray siya ng hayop.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.