9Ngunit alam ni Onan na hindi ituturing na kanya ang magiging anak nila, kaya tuwing magsisiping sila ni Tamar, itinatapon niya sa labas ang kanyang binhi upang hindi siya magkaanak para sa kanyang kapatid.
10Masama ang ginawa ni Onan sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay din niya ito.
11Sinabi agad ni Juda kay Tamar na kanyang manugang, “Umuwi ka muna sa iyong ama, at huwag kang mag-asawa hanggang magbinata na si Shela.” Sinabi iyon ni Juda dahil natatakot siya na baka mamatay din si Shela katulad ng mga kapatid niya. Kaya umuwi muna si Tamar sa kanyang ama.
12Dumating ang panahon, namatay ang asawa ni Juda. Pagkatapos ng kanyang pagdadalamhati, pumunta siya sa mga manggugupit ng balahibo ng kanyang mga tupa roon sa Timna. Kasama niyang pumunta roon ang kaibigan niyang si Hira na taga-Adulam.
13May nagsabi kay Tamar na ang biyenan niya ay pupunta sa Timna upang pagupitan doon ang mga tupa nito.