21Nagtanong si Hira sa mga lalaking taga-Enaim kung nasaan na ang babaeng bayaran, na nakaupo sa tabi ng daan. Ngunit sumagot ang mga tao, “Wala naman kaming nakitang ganoong babae rito.”
22Kaya bumalik si Hira kay Juda at sinabi, “Hindi ko siya nakita. At sinabi ng mga tao na wala naman daw babaeng bayaran doon.”
23Sinabi ni Juda, “Hayaan na lang natin na itago niya ang mga ibinigay kong gamit sa kanya, dahil baka pagtawanan pa tayo ng mga tao na naghahanap tayo sa wala. Ganoon pa man, pinahatiran ko naman siya ng batang kambing ngunit hindi mo naman siya makita roon.”
24Pagkalipas ng tatlong buwan, nabalitaan ni Juda na ang manugang niyang si Tamar ay nagbenta ng dangal at nabuntis ito. Kaya sinabi ni Juda, “Ilabas siya at sunugin.”
25Ngunit nang ilalabas na si Tamar, ipinasabi niya kay Juda, “Narito ang pantatak, panali at pati ang tungkod. Ang may-ari ng mga ito ang ama ng sanggol na nasa sinapupunan ko. Kilalanin nʼyo kung kanino ito.”