3Dumating ang panahon, nagbuntis ito at nanganak ng lalaki at pinangalanan ni Juda ang sanggol na Er.
4Muli siyang nagbuntis at nanganak ng lalaki at pinangalanan niyang Onan.
5Nagbuntis pa siya at nanganak ng lalaki at pinangalanan niyang Shela. Isinilang si Shela sa Kizib.
6Si Tamar ang napili ni Juda upang maging asawa ng kanyang panganay na si Er.
7Ngunit si Er ay naging suwail sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon.