Genesis 38

Kaya sinabi ni Juda kay Onan, “Sipingan mo ang hipag mo dahil tungkulin mo iyan bilang kapatid ng asawa niyang namatay, para sa pamamagitan mo ay magkaroon din ng mga anak ang iyong kapatid.”

Genesis 38:8 (UKJV) And Judah said unto Onan, Go in unto your brother's wife, and marry her, and raise up seed to your brother.

6Si Tamar ang napili ni Juda upang maging asawa ng kanyang panganay na si Er.

7Ngunit si Er ay naging suwail sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay siya ng Panginoon.

8Kaya sinabi ni Juda kay Onan, “Sipingan mo ang hipag mo dahil tungkulin mo iyan bilang kapatid ng asawa niyang namatay, para sa pamamagitan mo ay magkaroon din ng mga anak ang iyong kapatid.”

9Ngunit alam ni Onan na hindi ituturing na kanya ang magiging anak nila, kaya tuwing magsisiping sila ni Tamar, itinatapon niya sa labas ang kanyang binhi upang hindi siya magkaanak para sa kanyang kapatid.

10Masama ang ginawa ni Onan sa paningin ng Panginoon, kaya pinatay din niya ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.