17Isinalaysay niya agad sa asawa niya ang nangyari. Sinabi niya, “Ang Hebreong alipin na dinala mo rito ay gusto akong hamakin dahil pumasok siya sa aking silid upang pagsamantalahan ako.
18Ngunit tumakbo siya palabas nang sumigaw ako, at naiwan pa nga ang kanyang balabal.”
19Nang marinig ni Potifar ang salaysay ng kanyang asawa tungkol sa ginawa ni Jose, galit na galit siya.
20Kaya ipinadakip niya si Jose at ipinasok sa bilangguan ng hari. Ngunit kahit nasa bilangguan si Jose,
21ginagabayan pa rin siya ng Panginoon. At dahil sa kabutihan ng Panginoon, panatag ang loob ng tagapamahala ng bilangguan kay Jose.