Genesis 39

Ginagabayan ng Panginoon si Jose, kaya naging matagumpay siya. Doon siya nakatira sa bahay ng amo niyang Ehipsiyo.

Genesis 39:2 (UKJV) And the LORD was with Joseph, and he was a prosperous man; and he was in the house of his master the Egyptian.

1Nang dinala na si Jose ng mga Ismaelita sa Ehipto, binili siya ni Potifar na isang Ehipsiyong isa sa mga opisyal ng Faraon. (Si Potifar ay kapitan ng mga guwardiya sa palasyo.)

2Ginagabayan ng Panginoon si Jose, kaya naging matagumpay siya. Doon siya nakatira sa bahay ng amo niyang Ehipsiyo.

3Nakita ni Potifar na ginagabayan ng Panginoon si Jose at pinagpapala sa lahat ng ginagawa niya,

4kayaʼt panatag ang kalooban niya kay Jose. Ginawa niya itong sarili niyang katiwala at tagapamahala ng kanyang sambahayan at ng lahat ng kanyang ari-arian.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.