Genesis 39

kayaʼt panatag ang kalooban niya kay Jose. Ginawa niya itong sarili niyang katiwala at tagapamahala ng kanyang sambahayan at ng lahat ng kanyang ari-arian.

Genesis 39:4 (UKJV) And Joseph found grace in his sight, and he served him: and he made him overseer over his house, and all that he had he put into his hand.

2Ginagabayan ng Panginoon si Jose, kaya naging matagumpay siya. Doon siya nakatira sa bahay ng amo niyang Ehipsiyo.

3Nakita ni Potifar na ginagabayan ng Panginoon si Jose at pinagpapala sa lahat ng ginagawa niya,

4kayaʼt panatag ang kalooban niya kay Jose. Ginawa niya itong sarili niyang katiwala at tagapamahala ng kanyang sambahayan at ng lahat ng kanyang ari-arian.

5Mula nang panahong si Jose ang namamahala, binasbasan ng Panginoon ang sambahayan ni Potifar na Ehipsiyo at ang lahat ng ari-arian niya sa kanyang bahay at bukirin. Ginawa ito ng Panginoon dahil kay Jose.

6Ipinagkatiwala ni Potifar ang lahat kay Jose at wala na siyang ibang iniintindi maliban na lang sa pagpili ng kakainin niya. Gwapo si Jose at matipuno ang katawan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.