Genesis 4

Si Enoc ay may anak na lalaki na ang pangalan ay Irad. Si Irad ang ama ni Mehujael; si Mehujael ang ama ni Metusael; at si Metusael ang ama ni Lamec.

Genesis 4:18 (UKJV) And unto Enoch was born Irad: and Irad brings forth Mehujael: and Mehujael brings forth Methusael: and Methusael brings forth Lamech.

16Pagkatapos, lumayo si Cain sa Panginoon at doon tumira sa lugar ng Nod, sa bandang silangan ng Eden.

17Sumiping si Cain sa asawa niya. Nagbuntis ito at nanganak ng lalaki at pinangalanan nila siyang Enoc. Nagpatayo si Cain ng isang lungsod at pinangalanan niya itong Enoc kagaya ng pangalan ng kanyang anak.

18Si Enoc ay may anak na lalaki na ang pangalan ay Irad. Si Irad ang ama ni Mehujael; si Mehujael ang ama ni Metusael; at si Metusael ang ama ni Lamec.

19Si Lamec ay may dalawang asawa na sina Ada at Zila.

20Ipinanganak ni Ada si Jabal na siyang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga tolda, na nag-aalaga ng mga hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.