21May kapatid si Jabal na lalaki na ang pangalan ay Jubal, na siyang pinagmulan ng lahat na tagatugtog ng alpa at plauta.
22Si Zila ay nagkaanak din ng lalaki na ang pangalan ay Tubal-cain. Si Tubal-cain ay gumagawa ng lahat ng klase ng kagamitan mula sa bakal at tanso. May kapatid siyang babae na si Naama.
23Isang araw, sinabi ni Lamec sa dalawa niyang asawa, “Ada at Zila, pakinggan ninyo ako, mga asawa ni Lamec, dinggin ninyo ako. Pumatay ako ng isang lalaki dahil sinugatan niya ako; oo, sinaktan ako ng isang binatilyo.
24Kung pitong beses ang tindi ng ganti sa taong pumatay kay Cain, pitumpuʼt pitong beses ang tindi ng ganti sa taong papatay sa akin.”
25Sumiping muli si Adan kay Eva at nanganak ng isang lalaki at pinangalanan niya itong Set. Sinabi niya, “Muli akong binigyan ng Diyos ng anak na lalaki bilang kapalit ni Abel na pinatay ni Cain.”