Genesis 4

May kapatid si Jabal na lalaki na ang pangalan ay Jubal, na siyang pinagmulan ng lahat na tagatugtog ng alpa at plauta.

Genesis 4:21 (UKJV) And his brother's name was Jubal: he was the father of all such as handle the harp and organ.

19Si Lamec ay may dalawang asawa na sina Ada at Zila.

20Ipinanganak ni Ada si Jabal na siyang pinagmulan ng mga tao na nakatira sa mga tolda, na nag-aalaga ng mga hayop.

21May kapatid si Jabal na lalaki na ang pangalan ay Jubal, na siyang pinagmulan ng lahat na tagatugtog ng alpa at plauta.

22Si Zila ay nagkaanak din ng lalaki na ang pangalan ay Tubal-cain. Si Tubal-cain ay gumagawa ng lahat ng klase ng kagamitan mula sa bakal at tanso. May kapatid siyang babae na si Naama.

23Isang araw, sinabi ni Lamec sa dalawa niyang asawa, “Ada at Zila, pakinggan ninyo ako, mga asawa ni Lamec, dinggin ninyo ako. Pumatay ako ng isang lalaki dahil sinugatan niya ako; oo, sinaktan ako ng isang binatilyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.