Genesis 4

Isang araw, naghandog si Cain sa Panginoon ng galing sa ani niya.

Genesis 4:3 (UKJV) And in process of time it came to pass, that Cain brought of the fruit of the ground an offering unto the LORD.

1Pagkatapos noon, sumiping si Adan sa asawa niyang si Eva at nagbuntis ito. Nang manganak si Eva, sinabi niya, “Nagkaroon ako ng anak na lalaki sa pamamagitan ng tulong ng Panginoon, kaya Cain ang ipapangalan ko sa kanya.”

2At muling nanganak si Eva ng lalaki at Abel ang ipinangalan sa kanya. Nang lumaki na sila, si Abel ay naging pastol ng mga tupa at kambing, at si Cain naman ay naging magsasaka.

3Isang araw, naghandog si Cain sa Panginoon ng galing sa ani niya.

4Si Abel naman ay kumuha ng isang panganay sa mga inaalagaan niyang hayop, kinatay ito at inihandog sa Diyos ang pinakamatabang bahagi. Nasiyahan ang Panginoon kay Abel at sa handog nito,

5ngunit hindi siya nasiyahan kay Cain at sa handog nito. At dahil dito, labis ang galit ni Cain at kitang-kita ito mukha niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.