Genesis 4

Kaya tinanong siya ng Panginoon, “Ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nakasimangot?

Genesis 4:6 (UKJV) And the LORD said unto Cain, Why are you angry? and why is your countenance fallen?

4Si Abel naman ay kumuha ng isang panganay sa mga inaalagaan niyang hayop, kinatay ito at inihandog sa Diyos ang pinakamatabang bahagi. Nasiyahan ang Panginoon kay Abel at sa handog nito,

5ngunit hindi siya nasiyahan kay Cain at sa handog nito. At dahil dito, labis ang galit ni Cain at kitang-kita ito mukha niya.

6Kaya tinanong siya ng Panginoon, “Ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nakasimangot?

7Kung gumawa ka nang mabuti, tatanggapin kita. Ngunit kung gumawa ka nang hindi mabuti, ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nakaabang sa may pintuan. Gusto ka nitong pagharian, ngunit kailangang talunin mo ito.”

8Isang araw, sinabi ni Cain kay Abel, “Halika, pumunta tayo sa bukid.” Nang naroon na sila, pinatay ni Cain ang kapatid niyang si Abel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.