Genesis 4

Kung gumawa ka nang mabuti, tatanggapin kita. Ngunit kung gumawa ka nang hindi mabuti, ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nakaabang sa may pintuan. Gusto ka nitong pagharian, ngunit kailangang talunin mo ito.”

Genesis 4:7 (UKJV) If you do well, shall you not be accepted? and if you do not well, sin lies at the door. And unto you shall be his desire, and you shall rule over him.

5ngunit hindi siya nasiyahan kay Cain at sa handog nito. At dahil dito, labis ang galit ni Cain at kitang-kita ito mukha niya.

6Kaya tinanong siya ng Panginoon, “Ano ba ang ikinagagalit mo? Bakit ka nakasimangot?

7Kung gumawa ka nang mabuti, tatanggapin kita. Ngunit kung gumawa ka nang hindi mabuti, ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nakaabang sa may pintuan. Gusto ka nitong pagharian, ngunit kailangang talunin mo ito.”

8Isang araw, sinabi ni Cain kay Abel, “Halika, pumunta tayo sa bukid.” Nang naroon na sila, pinatay ni Cain ang kapatid niyang si Abel.

9Pagkatapos, nagtanong ang Panginoon kay Cain, “Nasaan ang kapatid mo?” Sumagot si Cain, “Hindi ko alam. Bakit, ako ba ang tagapagbantay ng kapatid ko?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.