7Kung gumawa ka nang mabuti, tatanggapin kita. Ngunit kung gumawa ka nang hindi mabuti, ang kasalanan ay katulad ng mabagsik na hayop na nakaabang sa may pintuan. Gusto ka nitong pagharian, ngunit kailangang talunin mo ito.”
8Isang araw, sinabi ni Cain kay Abel, “Halika, pumunta tayo sa bukid.” Nang naroon na sila, pinatay ni Cain ang kapatid niyang si Abel.
9Pagkatapos, nagtanong ang Panginoon kay Cain, “Nasaan ang kapatid mo?” Sumagot si Cain, “Hindi ko alam. Bakit, ako ba ang tagapagbantay ng kapatid ko?”
10Sinabi ng Panginoon kay Cain, “Anoʼng ginawa mo? Ang dugo ng kapatid moʼy parang tinig na nagmamakaawa na parusahan ko ang taong pumatay sa kanya.
11Dahil sa ginawa mo, isusumpa ka. Mula ngayon, hindi ka na makakapagsaka sa lupa na sumipsip ng dugo ng iyong kapatid na iyong pinatay.