1Pagkalipas ng dalawang taon, nanaginip ang Faraon na nakatayo siya sa pampang ng Ilog Nilo.
2Sa kanyang panaginip, biglang may umahon na pitong magaganda at matatabang baka na kumakain ng damo.
3Maya-maya paʼy may umahon din na pitong pangit at payat na baka, at lumapit sila sa mga naunang baka sa pampang.