Genesis 41

Isang gabi noon, nanaginip kaming dalawa, at ang may kanya kanyang kahulugan ang aming panaginip.

Genesis 41:11 (UKJV) And we dreamed a dream in one night, I and he; we dreamed each man according to the interpretation of his dream.

9Pagkatapos, lumapit ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at sinabi sa Faraon, “Naalala ko na po ngayon ang aking mga pagkukulang.

10Nang nagalit po kayo noon sa akin at sa pinuno ng mga panadero, ipinakulong nʼyo po kami sa bahay ng kapitan ng mga guwardiya sa palasyo.

11Isang gabi noon, nanaginip kaming dalawa, at ang may kanya kanyang kahulugan ang aming panaginip.

12May kasama kami roon na binatang Hebreo, na alipin ng kapitan ng mga guwardiya sa palasyo. Sinabi po namin sa kanya ang panaginip namin at ipinaliwanag niya sa amin ang kahulugan nito.

13Nagkatotoo ang sinabi niya tungkol sa amin: Pinabalik nʼyo po ako sa trabaho ko at ipinabitin ninyo sa puno ang bangkay ng kasama ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.