10Nang nagalit po kayo noon sa akin at sa pinuno ng mga panadero, ipinakulong nʼyo po kami sa bahay ng kapitan ng mga guwardiya sa palasyo.
11Isang gabi noon, nanaginip kaming dalawa, at ang may kanya kanyang kahulugan ang aming panaginip.
12May kasama kami roon na binatang Hebreo, na alipin ng kapitan ng mga guwardiya sa palasyo. Sinabi po namin sa kanya ang panaginip namin at ipinaliwanag niya sa amin ang kahulugan nito.
13Nagkatotoo ang sinabi niya tungkol sa amin: Pinabalik nʼyo po ako sa trabaho ko at ipinabitin ninyo sa puno ang bangkay ng kasama ko.”
14Kaya ipinatawag ng Faraon si Jose, at pinalabas siya agad sa bilangguan. Pagkatapos niyang mag-ahit at magbihis, kaagad siyang pumunta sa Faraon.