43Ipinagamit din niya kay Jose ang kanyang pangalawang karwahe, at may mga tagapamalita na mauuna sa kanya na sumisigaw, “Lumuhod kayo sa gobernador!” Kaya simula noon, naging gobernador si Jose sa buong lupain ng Ehipto.
44Sinabi pa ng Faraon kay Jose, “Ako ang hari dito sa Ehipto, ngunit walang sinuman ang gagawa ng kahit ano dito nang walang pahintulot mo.”
45Pinangalanan ng Faraon si Jose ng Zafenat-panea. Ipinakasal din niya kay Jose si Asenat na anak ni Potifera na pari mula sa lungsod ng On. Bilang gobernador, si Jose na ang namahala sa buong Ehipto.
46Si Jose ay tatlumpung taóng gulang pa lang nang magsimulang maglingkod sa Faraon. Umalis siya sa palasyo at umikot sa buong Ehipto.
47Tunay ngang naging masagana ang ani sa loob ng pitong taóng kasaganaan.