Genesis 41

Napakarami ng trigong naipon ni Jose; parang kasindami ng buhangin sa tabing-dagat. Itinigil na lang niya ang pagtatakal nito dahil hindi na ito makayanang takalin.

Genesis 41:49 (UKJV) And Joseph gathered corn as the sand of the sea, very much, until he left numbering; for it was without number.

47Tunay ngang naging masagana ang ani sa loob ng pitong taóng kasaganaan.

48At sa panahong iyon, ipinaipon ni Jose ang lahat ng nakolekta galing sa mga ani. Ipinatago niya sa bawat lungsod ang mga ani na galing sa bukid sa palibot nito.

49Napakarami ng trigong naipon ni Jose; parang kasindami ng buhangin sa tabing-dagat. Itinigil na lang niya ang pagtatakal nito dahil hindi na ito makayanang takalin.

50Bago dumating ang taggutom, ipinanganak ang dalawang anak ni Jose kay Asenat na anak ni Potifera na pari ng lungsod ng On.

51Pinangalanan ni Jose ang panganay na Manases dahil ayon sa kanya, “Dahil sa tulong ng Diyos, nakalimutan ko ang mga paghihirap ko at ang aking pananabik sa sambahayan ng aking ama.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.