Genesis 41

Pinangalanan niya ang pangalawa niyang anak na Efraim. Sapagkat ayon sa kanya, “Dahil sa tulong ng Diyos, naging masagana ako sa lugar kung saan nakaranas ako ng mga paghihirap.”

Genesis 41:52 (UKJV) And the name of the second called he Ephraim: For God has caused me to be fruitful in the land of my affliction.

50Bago dumating ang taggutom, ipinanganak ang dalawang anak ni Jose kay Asenat na anak ni Potifera na pari ng lungsod ng On.

51Pinangalanan ni Jose ang panganay na Manases dahil ayon sa kanya, “Dahil sa tulong ng Diyos, nakalimutan ko ang mga paghihirap ko at ang aking pananabik sa sambahayan ng aking ama.”

52Pinangalanan niya ang pangalawa niyang anak na Efraim. Sapagkat ayon sa kanya, “Dahil sa tulong ng Diyos, naging masagana ako sa lugar kung saan nakaranas ako ng mga paghihirap.”

53Natapos na ang pitong taóng kasaganaan sa Ehipto,

54at nagsimula na ang pitong taóng taggutom katulad ng sinabi ni Jose. May taggutom sa ibaʼt ibang lugar ngunit may pagkain sa buong Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.