52Pinangalanan niya ang pangalawa niyang anak na Efraim. Sapagkat ayon sa kanya, “Dahil sa tulong ng Diyos, naging masagana ako sa lugar kung saan nakaranas ako ng mga paghihirap.”
53Natapos na ang pitong taóng kasaganaan sa Ehipto,
54at nagsimula na ang pitong taóng taggutom katulad ng sinabi ni Jose. May taggutom sa ibaʼt ibang lugar ngunit may pagkain sa buong Ehipto.
55Dumating ang panahon na naramdaman din ng mga taga-Ehipto ang taggutom, kaya humingi sila ng pagkain sa Faraon. Sinabi ng hari sa kanila, “Pumunta kayo kay Jose dahil siya ang magsasabi sa inyo kung ano ang gagawin ninyo.”
56Nang lumaganap na ang taggutom sa buong bansa, pinabuksan ni Jose ang lahat ng kamalig at pinagbilhan ng pagkain ang mga taga-Ehipto, sapagkat matindi ang taggutom sa buong Ehipto.