Genesis 42

Ngunit susubukan ko kayo kung totoo talaga ang mga sinasabi ninyo. Isinusumpa ko sa pangalan ng Faraon na hindi kayo makakaalis dito hanggaʼt hindi ninyo maisasama ang bunsong kapatid nʼyo rito.

Genesis 42:15 (UKJV) Hereby all of you shall be proved: By the life of Pharaoh all of you shall not go forth behind, except your youngest brother come here.

13Sumagot sila, “Kaming inyong abang lingkod ay labindalawang magkakapatid, iisa lang po ang aming ama na naroon ngayon sa Canaan. Ang bunso po namin ay naiwan sa kanya. Ang isa po naming kapatid ay wala na.”

14Sinabi ni Jose, “Kagaya ng sinabi ko, mga espiya talaga kayo!

15Ngunit susubukan ko kayo kung totoo talaga ang mga sinasabi ninyo. Isinusumpa ko sa pangalan ng Faraon na hindi kayo makakaalis dito hanggaʼt hindi ninyo maisasama ang bunsong kapatid nʼyo rito.

16Pauuwiin ang isa sa inyo upang kunin ang kapatid ninyo. Ang maiiwan sa inyoʼy ikukulong hanggang sa mapatunayan ninyo ang sinasabi ninyo, dahil kung hindi, talagang mga espiya nga kayo!”

17At ipinakulong niya ang mga ito sa loob ng tatlong araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.