Genesis 42

Pauuwiin ang isa sa inyo upang kunin ang kapatid ninyo. Ang maiiwan sa inyoʼy ikukulong hanggang sa mapatunayan ninyo ang sinasabi ninyo, dahil kung hindi, talagang mga espiya nga kayo!”

Genesis 42:16 (UKJV) Send one of you, and let him fetch your brother, and all of you shall be kept in prison, that your words may be proved, whether there be any truth in you: or else by the life of Pharaoh surely all of you are spies.

14Sinabi ni Jose, “Kagaya ng sinabi ko, mga espiya talaga kayo!

15Ngunit susubukan ko kayo kung totoo talaga ang mga sinasabi ninyo. Isinusumpa ko sa pangalan ng Faraon na hindi kayo makakaalis dito hanggaʼt hindi ninyo maisasama ang bunsong kapatid nʼyo rito.

16Pauuwiin ang isa sa inyo upang kunin ang kapatid ninyo. Ang maiiwan sa inyoʼy ikukulong hanggang sa mapatunayan ninyo ang sinasabi ninyo, dahil kung hindi, talagang mga espiya nga kayo!”

17At ipinakulong niya ang mga ito sa loob ng tatlong araw.

18Sa ikatlong araw, sinabi ni Jose sa kanila, “Iginagalang ko ang Diyos, kaya bibigyan ko pa kayo ng pagkakataong mabuhay kung susundin lang ninyo ang iniutos ko sa inyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.