Genesis 42

Sa ikatlong araw, sinabi ni Jose sa kanila, “Iginagalang ko ang Diyos, kaya bibigyan ko pa kayo ng pagkakataong mabuhay kung susundin lang ninyo ang iniutos ko sa inyo.

Genesis 42:18 (UKJV) And Joseph said unto them the third day, This do, and live; for I fear God:

16Pauuwiin ang isa sa inyo upang kunin ang kapatid ninyo. Ang maiiwan sa inyoʼy ikukulong hanggang sa mapatunayan ninyo ang sinasabi ninyo, dahil kung hindi, talagang mga espiya nga kayo!”

17At ipinakulong niya ang mga ito sa loob ng tatlong araw.

18Sa ikatlong araw, sinabi ni Jose sa kanila, “Iginagalang ko ang Diyos, kaya bibigyan ko pa kayo ng pagkakataong mabuhay kung susundin lang ninyo ang iniutos ko sa inyo.

19Kung nagsasabi kayo ng totoo, magpaiwan dito ang isa sa inyo at makakauwi kayo, at makakapagdala kayo ng pagkain para sa nagugutom ninyong pamilya.

20Pagkatapos, dalhin nʼyo rito ang bunsong kapatid ninyo upang mapatunayan ko na hindi kayo nagsisinungaling at upang hindi ko kayo ipapatay.” At ginawa nila ito.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.