Genesis 42

Kung nagsasabi kayo ng totoo, magpaiwan dito ang isa sa inyo at makakauwi kayo, at makakapagdala kayo ng pagkain para sa nagugutom ninyong pamilya.

Genesis 42:19 (UKJV) If all of you be true men, let one of your brethren be bound in the house of your prison: go all of you, carry corn for the famine of your houses:

17At ipinakulong niya ang mga ito sa loob ng tatlong araw.

18Sa ikatlong araw, sinabi ni Jose sa kanila, “Iginagalang ko ang Diyos, kaya bibigyan ko pa kayo ng pagkakataong mabuhay kung susundin lang ninyo ang iniutos ko sa inyo.

19Kung nagsasabi kayo ng totoo, magpaiwan dito ang isa sa inyo at makakauwi kayo, at makakapagdala kayo ng pagkain para sa nagugutom ninyong pamilya.

20Pagkatapos, dalhin nʼyo rito ang bunsong kapatid ninyo upang mapatunayan ko na hindi kayo nagsisinungaling at upang hindi ko kayo ipapatay.” At ginawa nila ito.

21Sinabi nila sa isaʼt isa, “Mananagot tayo sa ginawa natin sa kapatid natin. Nakita natin ang paghihirap niya nang nagmamakaawa siya sa atin, ngunit hindi natin siya kinaawaan. Kaya ito ang dahilan kung bakit dumating ang mga paghihirap na ito sa atin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.