Genesis 42

Pagkatapos, dalhin nʼyo rito ang bunsong kapatid ninyo upang mapatunayan ko na hindi kayo nagsisinungaling at upang hindi ko kayo ipapatay.” At ginawa nila ito.

Genesis 42:20 (UKJV) But bring your youngest brother unto me; so shall your words be verified, and all of you shall not die. And they did so.

18Sa ikatlong araw, sinabi ni Jose sa kanila, “Iginagalang ko ang Diyos, kaya bibigyan ko pa kayo ng pagkakataong mabuhay kung susundin lang ninyo ang iniutos ko sa inyo.

19Kung nagsasabi kayo ng totoo, magpaiwan dito ang isa sa inyo at makakauwi kayo, at makakapagdala kayo ng pagkain para sa nagugutom ninyong pamilya.

20Pagkatapos, dalhin nʼyo rito ang bunsong kapatid ninyo upang mapatunayan ko na hindi kayo nagsisinungaling at upang hindi ko kayo ipapatay.” At ginawa nila ito.

21Sinabi nila sa isaʼt isa, “Mananagot tayo sa ginawa natin sa kapatid natin. Nakita natin ang paghihirap niya nang nagmamakaawa siya sa atin, ngunit hindi natin siya kinaawaan. Kaya ito ang dahilan kung bakit dumating ang mga paghihirap na ito sa atin.”

22Sinabi ni Ruben, “Hindi baʼt sinabi ko sa inyo noon na huwag ninyo siyang saktan? Ngunit hindi kayo nakinig sa akin! Kaya sinisingil na tayo ngayon sa kanyang pagkamatay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.