Genesis 42

Sinabi ni Ruben, “Hindi baʼt sinabi ko sa inyo noon na huwag ninyo siyang saktan? Ngunit hindi kayo nakinig sa akin! Kaya sinisingil na tayo ngayon sa kanyang pagkamatay.”

Genesis 42:22 (UKJV) And Reuben answered them, saying, Spoke I not unto you, saying, Do not sin against the child; and all of you would not hear? therefore, behold, also his blood is required.

20Pagkatapos, dalhin nʼyo rito ang bunsong kapatid ninyo upang mapatunayan ko na hindi kayo nagsisinungaling at upang hindi ko kayo ipapatay.” At ginawa nila ito.

21Sinabi nila sa isaʼt isa, “Mananagot tayo sa ginawa natin sa kapatid natin. Nakita natin ang paghihirap niya nang nagmamakaawa siya sa atin, ngunit hindi natin siya kinaawaan. Kaya ito ang dahilan kung bakit dumating ang mga paghihirap na ito sa atin.”

22Sinabi ni Ruben, “Hindi baʼt sinabi ko sa inyo noon na huwag ninyo siyang saktan? Ngunit hindi kayo nakinig sa akin! Kaya sinisingil na tayo ngayon sa kanyang pagkamatay.”

23Hindi nila alam na nauunawaan ni Jose ang usapan nila dahil habang nakikipag-usap siya sa kanila ay may tagapagpaliwanag siya.

24Lumayo muna si Jose sa kanila at umiyak. Ngunit hindi nagtagal, bumalik siya at nakipag-usap sa kanila. Hiniwalay niya si Simeon sa kanila at ipinagapos sa kanilang harapan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.