Genesis 42

Nang nagpalipas sila ng gabi sa isang lugar, isa sa kanila ang nagbukas ng sako niya upang pakainin ang kanyang asno. Pagbukas niya, nakita niya roon ang perang ibinayad niya.

Genesis 42:27 (UKJV) And as one of them opened his sack to give his ass animal food in the inn, he espied his money; for, behold, it was in his sack's mouth.

25Pagkatapos, iniutos ni Jose na punuin ng pagkain ang mga sako ng kanyang mga kapatid at ibalik sa mga sako nila ang kani-kanilang bayad, at pabaunan sila ng kanilang mga pangangailangan sa kanilang paglalakbay. Nasunod lahat ang iniutos ni Jose.

26Isinakay agad ng mga kapatid ni Jose ang mga sako nila sa kanilang asno at umalis.

27Nang nagpalipas sila ng gabi sa isang lugar, isa sa kanila ang nagbukas ng sako niya upang pakainin ang kanyang asno. Pagbukas niya, nakita niya roon ang perang ibinayad niya.

28Sumigaw siya sa kanyang mga kapatid, “Ibinalik ang ibinayad ko! Nandito sa sako ko.” Nanlupaypay silang lahat at kinabahan. Nagtanungan sila, “Ano kaya itong ginawa ng Diyos sa atin?”

29Pagdating nila sa Canaan, sinabi nila sa kanilang amang si Jacob ang lahat ng nangyari sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.