28Sumigaw siya sa kanyang mga kapatid, “Ibinalik ang ibinayad ko! Nandito sa sako ko.” Nanlupaypay silang lahat at kinabahan. Nagtanungan sila, “Ano kaya itong ginawa ng Diyos sa atin?”
29Pagdating nila sa Canaan, sinabi nila sa kanilang amang si Jacob ang lahat ng nangyari sa kanila.
30Sinabi nila kay Jacob, “Pinagsalitaan po kami ng masasakit ng gobernador ng Ehipto at pinagbintangan na mga espiya raw po kami.
31Ngunit sinagot po namin siya na hindi kami espiya at nagsasabi kami ng totoo.
32Labindalawa kaming magkakapatid at isa lang ang aming ama. Ang isa naming kapatid ay patay na at ang aming bunsong kapatid ay kasama po ninyo rito sa Canaan.