Genesis 42

Kaya pumunta ang mga anak ni Jacob sa Ehipto kasama ng mga taga-ibang lugar upang bumili ng pagkain, dahil laganap na ang taggutom sa buong Canaan.

Genesis 42:5 (UKJV) And the sons of Israel came to buy corn among those that came: for the famine was in the land of Canaan.

3Kaya lumakad ang sampung kapatid ni Jose sa Ehipto upang bumili ng pagkain.

4Ngunit hindi ipinasama ni Jacob si Benjamin na nakababatang kapatid ni Jose dahil natatakot siya na baka may masamang mangyari sa kanya.

5Kaya pumunta ang mga anak ni Jacob sa Ehipto kasama ng mga taga-ibang lugar upang bumili ng pagkain, dahil laganap na ang taggutom sa buong Canaan.

6Bilang gobernador ng Ehipto, tungkulin ni Jose na pagbilhan ng pagkain ang lahat ng tao. Kaya pagdating ng mga kapatid niya, nagpatirapa sila sa harapan ni Jose.

7Pagkakita ni Jose sa kanila, nakilala niya agad ang mga ito ngunit siya nagpahalata na siya si Jose. Nagtanong siya sa kanila kung taga-saan sila. Sumagot sila, “Taga-Canaan po kami, at pumunta po kami rito upang bumili ng pagkain.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.