Genesis 42

Kahit nakilala ni Jose ang mga kapatid niya, hindi siya namukhaan ng mga ito.

Genesis 42:8 (UKJV) And Joseph knew his brethren, but they knew not him.

6Bilang gobernador ng Ehipto, tungkulin ni Jose na pagbilhan ng pagkain ang lahat ng tao. Kaya pagdating ng mga kapatid niya, nagpatirapa sila sa harapan ni Jose.

7Pagkakita ni Jose sa kanila, nakilala niya agad ang mga ito ngunit siya nagpahalata na siya si Jose. Nagtanong siya sa kanila kung taga-saan sila. Sumagot sila, “Taga-Canaan po kami, at pumunta po kami rito upang bumili ng pagkain.”

8Kahit nakilala ni Jose ang mga kapatid niya, hindi siya namukhaan ng mga ito.

9Naalala ni Jose ang panaginip niya tungkol sa kanila kaya sinabi niya, “Mga espiya kayo! Pumunta kayo rito upang tingnan kung ano ang kahinaan ng bansa namin.”

10Sumagot sila, “Hindi po, panginoon ko! Kami pong inyong lingkod ay naparito upang bumili lamang ng pagkain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.