9Igagarantiya ko po ang buhay ko para kay Benjamin. Singilin po ninyo ako kung anuman ang mangyari sa kanya. Kung hindi po siya makakabalik sa inyo nang buháy, sisihin po ninyo ako habambuhay.
10Kung hindi po tayo nagsayang ng panahon, dalawang beses na sana kaming nakabalik.”
11Sinabi ng kanilang ama, “Kung ganoon ang makakabuti, sige payag na ako. Magdala kayo sa mga sisidlan ninyo ng pinakamagandang produkto rito sa ating lugar upang iregalo sa gobernador: kaunting balsamo at kaunting pulot-pukyutan, mga sangkap ng gamot at pabango, mga pistasyo at almendra.
12Doblehin ninyo ang dala ninyong pera dahil dapat ninyong ibalik ang perang ibinalik sa mga sako ninyo. Baka nagkamali lang sila noon.
13Isama ninyo ang kapatid ninyong si Benjamin at bumalik kayo agad sa gobernador.