Genesis 43

Nawaʼy hipuin ng Diyos na Makapangyarihan ang puso ng gobernador upang mahabag siya sa inyo at ibalik niya sa inyo sina Simeon at Benjamin. Ngunit kung hindi sila makabalik, tatanggapin ko na lang nang maluwag sa kalooban ko.”

Genesis 43:14 (UKJV) And God Almighty give you mercy before the man, that he may send away your other brother, and Benjamin. If I be bereaved of my children, I am bereaved.

12Doblehin ninyo ang dala ninyong pera dahil dapat ninyong ibalik ang perang ibinalik sa mga sako ninyo. Baka nagkamali lang sila noon.

13Isama ninyo ang kapatid ninyong si Benjamin at bumalik kayo agad sa gobernador.

14Nawaʼy hipuin ng Diyos na Makapangyarihan ang puso ng gobernador upang mahabag siya sa inyo at ibalik niya sa inyo sina Simeon at Benjamin. Ngunit kung hindi sila makabalik, tatanggapin ko na lang nang maluwag sa kalooban ko.”

15Kaya nagdala ang magkakapatid ng mga regalo at dinoble rin nila ang dala nilang pera. Pagkatapos, umalis sila papuntang Ehipto kasama si Benjamin, at nakipagkita kay Jose.

16Pagkakita ni Jose na kasama nila si Benjamin, inutusan niya ang tagapamahalang alipin, “Dalhin mo ang mga taong ito sa bahay. Magkatay ka ng hayop at magluto, dahil magtatanghalian sila kasama ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.