4Kung pasasamahin po ninyo siya sa amin babalik kami roon upang bumili ng pagkain.
5Ngunit kung hindi po, hindi po kami pupunta dahil nga sa sinabi niya na huwag daw kaming magpapakita sa kanya kung hindi namin kasama ang aming bunsong kapatid.”
6Sinabi ni Jacob, “Bakit binigyan nʼyo ako ng malaking problema? Bakit ipinagtapat nʼyo pa sa gobernador na may isa pa kayong kapatid?”
7Sumagot sila, “Kasi po lagi niya kaming tinatanong tungkol sa pamilya natin. Nagtanong siya kung buháy pa ba ang aming ama at kung may iba pa po kaming kapatid. Kaya sinagot po namin siya. Hindi po namin inaasahan na sasabihin niya sa amin na dalhin namin sa kanya ang kapatid namin.”
8Kaya sinabi ni Juda sa kanilang ama, “Ama, pumayag na po kayo na isama namin si Benjamin upang makaalis na po kami agad upang hindi po tayo mamatay lahat sa gutom.