Genesis 43

Kung pasasamahin po ninyo siya sa amin babalik kami roon upang bumili ng pagkain.

Genesis 43:4 (UKJV) If you will send our brother with us, we will go down and buy you food:

2Naubos na ng pamilya ni Jacob ang pagkaing binili nila sa Ehipto. Kaya inutusan ni Jacob ang mga anak niya, “Bumalik kayo roon sa Ehipto at bumili ng kahit kaunting pagkain.”

3Ngunit sumagot si Juda sa kanya, “Binalaan po kami ng gobernador na huwag na po kaming magpapakita sa kanya kung hindi po namin kasama ang aming bunsong kapatid.

4Kung pasasamahin po ninyo siya sa amin babalik kami roon upang bumili ng pagkain.

5Ngunit kung hindi po, hindi po kami pupunta dahil nga sa sinabi niya na huwag daw kaming magpapakita sa kanya kung hindi namin kasama ang aming bunsong kapatid.”

6Sinabi ni Jacob, “Bakit binigyan nʼyo ako ng malaking problema? Bakit ipinagtapat nʼyo pa sa gobernador na may isa pa kayong kapatid?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.