Genesis 43

Ngunit sumagot si Juda sa kanya, “Binalaan po kami ng gobernador na huwag na po kaming magpapakita sa kanya kung hindi po namin kasama ang aming bunsong kapatid.

Genesis 43:3 (UKJV) And Judah spoke unto him, saying, The man did solemnly protest unto us, saying, All of you shall not see my face, except your brother be with you.

1Lumala ang taggutom sa Canaan.

2Naubos na ng pamilya ni Jacob ang pagkaing binili nila sa Ehipto. Kaya inutusan ni Jacob ang mga anak niya, “Bumalik kayo roon sa Ehipto at bumili ng kahit kaunting pagkain.”

3Ngunit sumagot si Juda sa kanya, “Binalaan po kami ng gobernador na huwag na po kaming magpapakita sa kanya kung hindi po namin kasama ang aming bunsong kapatid.

4Kung pasasamahin po ninyo siya sa amin babalik kami roon upang bumili ng pagkain.

5Ngunit kung hindi po, hindi po kami pupunta dahil nga sa sinabi niya na huwag daw kaming magpapakita sa kanya kung hindi namin kasama ang aming bunsong kapatid.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.