Genesis 44

Agad na hinanap ng tagapamahalang alipin ang kopa sa mga sako, magmula sa panganay hanggang sa bunso, at ang kopa ay nakita sa sako ni Benjamin.

Genesis 44:12 (UKJV) And he searched, and began at the eldest, and left at the youngest: and the cup was found in Benjamin's sack.

10Sinabi ng tagapamahalang alipin, “Sige, Kapag nakita ko ang kopa sa isa sa inyo ay magiging alipin ko siya, at ang matitira sa inyoʼy walang pananagutan.”

11Kaya nagmamadaling ibinaba ng bawat isa ang mga sako nila at binuksan ito.

12Agad na hinanap ng tagapamahalang alipin ang kopa sa mga sako, magmula sa panganay hanggang sa bunso, at ang kopa ay nakita sa sako ni Benjamin.

13Nang makita ito ng magkakapatid, pinunit nila ang kanilang mga damit dahil sa matinding kalungkutan. Muli nilang isinakay sa asno ang mga sako nila at bumalik sa lungsod.

14Nang dumating si Juda at ang mga kapatid niya sa Ehipto, naroon pa rin si Jose sa bahay niya. Pumasok sila sa bahay at nagpatirapa sa harapan ni Jose.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.